Akala mo lang wala… pero meron! Meron! Meron!"
~ Carlo Aquino, Bata, Bata…Paano Ka Ginawa (1998)
My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!"
~ Nora Aunor, Minsay Isang Gamugamo (1976)
FPJ: Ang problema sa yo, maaga kang ipinanganak.
Sharon: Ang problema naman sa yo, huli kang ipinanganak!"
~ Fernando Poe Jr. and Sharon Cuneta, Kahit Konting Pagtingin (1990)
Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos Kung hindi ngayon, kailan pa"
~ Vilma Santos, Sister Stella L. (1984)
Alice: Mamamatay ako, Ate, pag kinuha mo sa akin si Alex!
Lorna: Ipalilibing kita.
Alice: Ate, please!
Lorna: Nung inagaw mo sa kin si… muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay.
~ Lorna Tolentino and Alice Dixson, Nagbabagang Luha (1988)
Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!"
~ Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983)
Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!"
~ Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-ibig (1987)
Rene: Cheetaehhh… ganda lalake!
Echo: Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!"
~ Rene Requiestas, Starzan
Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.
~ Vilma Santos, Relasyon (1982)

