1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Patrick Garcia: Under Consideration
Pero di ba mapapatawad ang kanyang kabataan sa pamamagitan ng kanyang asal-tunay-na-lalake tungo kay Jennylyn Mercado? Dahil ang tunay na lalake, iniiwan ang chick tapos buntisin.
Janitor Fish: Hindi Tunay na Lalake
Bagamat ang tunay na lalaki ay hindi naglilinis ng aquarium o ng kahit ano, pinaiimbabawan naman ito ng iba pang katangian ng janitor fish:
1. Makunat. Hindi madaling mamatay, kahit na 30 minutes nang wala sa tubig, o kahit saksakin na sa lalamunan.
2. Gaya ng ipis na isang tunay na lalaki, nakakapagpatili din ng mga babae (lalo na ng mga babaeng sila ang topic sa thesis).
3. Malakas mag-breed.
4. Walang abs. (Tiyan lang ang malambot sa katawan nila)
Walang pakialam sa environment at kung anu-ano pang shit.
Gawain ng Tunay na Lalake: Magnakaw ng Riles ng Tren
Ang tunay na lalake, ayaw nang may mga nakausling kung anu-anong bakal na shit kapag nagbabasketbol siya. Baka nga naman matapilok.
Hayden Kho: Tunay na Lalake
Bagamat may abs, napangingibabawan ito ng katotohanang sya ay hindi marunong sumayaw .
Greenbelt: Kubeta ng Tunay na Lalake
Ang tunay na lalake, kung rumaraket sa Makati (lalo na kung sa Ayala o sa mga kalapit na kalsada), sa Greenbelt tumatae. Sumusugod siya rito pag lunch break — hindi para mamili, kundi para makidumi sa kubetang malinis, may tubig, at may flush. Pero maski sa Greenbelt, hindi pa rin nagfa-flush ang tunay na lalake.
Pawikan: Tunay na Lalake
Endangered species dahil sanay sa panganib, sanay sa violence: Handang mamatay para may makain ang kapwa tunay na lalake.
Pagkain ng Tunay Na Lalake: Caimito
Makinis, mabilog, madagta…At pag-biniyak ng isang tunay na lalake ay umaapaw sa katas.
Kambal ni Robina: Tunay na Lalake
Ang tunay na lalake: dahilan ng misteryosong pagkawala ng mga virgin sa dressing rooms ng Robinson’s Galleria.
Noodles ng DepEd: Di Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake, may itlog.
Pagdila: Gawain ng Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake ay dumidila upang mapasaya ang kaparehang Ninja.
Do Not Disturb: Sign ng Tunay na Lalake
Ayon sa classic 69 sign na isinasabit sa pinto ng mga hotel at motel:
Ang tunay na lalake, laging may ginagawang pribado sa kuwarto.
Kung wala man, ito’y dahil may babaeng di niya alam ang pangalan na nag-aayos ng kanyang higaan.
Tong-its: Gawain ng Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake, mahilig sa threesome.
Motto ng Tunay na Lalake
“Fire in the hole!” dahil ang Tunay na Lalake
pinuputok sa loob.
Call Center Agents: Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake, hindi natutulog.
Note: Hindi tunay na lalake yung mga sobrang potang lakas ng boses habang nagi-inglisan sa MRT.
Pagkain ng Tunay na Lalake: Nilasing na Hipon
Ang Tunay na Lalake, pati pagkain hahaluan ng beer bago kainin.
Gawain ng Tunay na Lalake: Yumupi ng tansan
Isa sa mga walang silbing gawain ng mga tunay na lalake pero kailangang gawin paminsan-minsan sa inuman kasama ang mga tropa.
Peanut Kisses: Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake, mahilig humalik sa mani.
M&M’s: Di Tunay na Lalake
Ang tunay na lalake ay hindi naaayon sa kasabihang “melts in your mouth, not in your hand.” ang tunay na lalake ay matigas parati, kamayin man o isubo.
Trabaho ng Tunay na Lalake: Nagbebenta ng Kwek Kwek
Taus-pusong pinapakain ng tunay na lalake ang kanyang itlog sa sinumang may pagnanasang kainin ito.
PETA: Tunay na Lalake
Bagamat sila’y mga vegetarian, tunay na lalake pa rin ang PETA dahil gumagamit sila ng hubad na larawan ng babae sa campaign poster nila.
Johnny Cage: Under Consideration
Maaring tunay na lalake si Johnny Cage dahil kaya niyang pugutan ng ulo ang mga kalaban niya gamit ang isang matinding uppercut, pero kaduda-duda siya dahil:
1. may abs
2. hindi nagsusuot ng shades and tunay na lalake pag nakikipagsapakan
3. Hindi nagsi-split ang tunay na lalake, at lalong hindi makakalalake ang pagnganga niya habang naka-split.
Watchmen: Di Tunay na Lalake
Dahil ang tunay na lalake chicks ang pinapanood.


